Saturday, September 4, 2010

Bakit kailangan ng lovelife?

Ang dami kong kakilala na namomroblema dahil wala silang love life. Para bang gugunaw na yung mundo dahil wala silang boyfriend or girlfriend. Parang ang major problem ng buhay eh tungkol sa love life. Tama ba yun? Talaga bang kailangan ng boyfriend or girlfriend para maging masaya? Tama bang makipag relasyon kahit na alam mong wala namang feelings, isnt it better to be single and inspired than to be in the wrong relationship?


Aaminin ko dati ganoon din ako, parang mawawalan ako ng hininga kung wala akong karelasyon. Bata at simple  lang naman ang gusto ko nun. Magkaboyfriend at maging masaya kami habang buhay. Pero ngayon, I'll admit gusto ko nang i-take back yung mga pangarap na yun. Looking back, naisip ko na ang babaw nang pangarap ko. Pwede naman akong mangarap na makahanap ng lunas sa cancer, or to achieve peace and harmony in the world or di kaya masolve yung mystery kung bakit kinalbo ni Britney Spears ang sarili nya. Pero bakit pinroblema ko ang love life ko? Ewan ko, madami akong pwedeng isagot pero blurry at hindi sapat yun. 


Nung simula, nag hanap ako ng boyfriend dahil gusto ko, ako ang una sa tropa ko na magkabf, nagkatotoo nga. Masaya sa simula pero di naglaon nasira din pero dahil sa isa ring lalake kaya natapos ang relasyon namin. Yung lalakeng pumalit kaibigan naman ni unang bf, dun unang sumakit ang ulo ko! Ampootah! kahit anong pagbusted ko sa kanya, pusigido pa rin sya! No means yes ata sa kanya eh. Nabwisit ako, pinagbigyan ko sya, naging kami, pero di nagtagal naggive up na rin ako. Di lang ako nabwisit sa kanya, naimberyna na rin ako sa ubod ng kulit at tsaka tawag ng tawag sa bahay. 


Nung nagpunta na kami ng Canada. Dun na ulit nagsimula ang boy craze phase ko. Ampootah ang gagwapo! ang ganda ng kulay ng mata (blue, green, hazel,) ang puputi at ang tatangkad. Pamatay! makalaglag! ahahahaha. Pero I didnt get a serious boyfriend until 2006. Nung una puro date-date lang, walang seryosohan, tipong parang nagliligawan pero madaming nanliligaw. :D Meron akong sinoryoso si Barry kaso after two weeks naming maging magsyota, na syote ata sya! Nakipagbreak sa MSN lang, tapos may kaya pang sabihin sa kin na "its not you, its me", so I did the next best thing, sinuntok ko sya sa harapan ng mga kaklesa nya. Yun siguro yung reason kung bakit crowned gay na sya ngayon! Seryoso ko! Last year inamin nya sakin na badingerZ sya! 


Sumunod naman si Justin, rebound guy lang dapat. Naging kami after a month akong nagmukhang tanga nagtry humabol kay bakla. Anyway si Justin, Tall Blonde and blue eyed. Hah! Ganda ng lahi! Kala ko talaga kami na, nagcommon law pa nga kami eh. Pero ampootah ang parents nya masyado pakielamera. Lahat na ata ng mali napansin at take note never nila napansin ang kagalingan at pagka tama namin. Nung bago kami nagbreak. Sabi nya sakin sinabi daw ng nanay nya na, ayaw nya ng half blood  grandchild! Meaning bawal ako, kasi inde ako puti. Nabwisit ako, iniwan ko sya pero sinabi ko naman sa kanya, na wag na sya maghanap ng gf kasi, Nagger na ung nanay na at a$$hole naman ang tatay nya so completo na ang life nya!


Sumunod sunod na ang mga relationship ko, mga one month apart naman, ung last two bf ko, silang dalawa talaga ang nagbigay ng todo sakit ng ulo sa kin. Si Mike lahat ata ng babae kinakaibigan. Si Roman naman nanonosebleed ako sa english nya! Inde ko naieelaborate silang dalawa, understood na yun! 


So partially, the reason why I dont want to be in a relationship is because of my past experiences. Also because there is a bigger fish to fry. Tsaka sakit lang talaga silang mga lalake sa ulo! Kung dumating man ngayon ang soul mate ko, sana makapag hintay sya. inde ako ready tsaka strict ang parents ko. LOL 

No comments:

Post a Comment